Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bela gustong kalabanin ni Janine

0 79

Hindi pinangarap ni Janine Gutierrez na maging beauty queen, kahit marami ang nagsasabi na may ‘K’ siya.

“Never kong pinangarap maging beauty queen. I love watching pageant. Pero maging beauty queen, hindi ko talaga siya pinagnarap. Pero sobrang flattered ako na naisip nila na puwede pala ako,” sabi ni Janine.

Anyway, feeling heaven nga si Janine, pati na sina JC Santos, Direk JP Habac, ang TBA Studios, dahil sa tagumpay ng pelikula nilang ‘Dito at Doon’ na patuloy pa ring napapanood ngayon sa iba’t ibang platforms.

At dahil pakiramdam ng marami ay magkakaroon ng part 2 o magtutuloy ang kuwento ng ‘Dito at Doon’, inusisa si Janine kung sino ba ang gusto niyang makaribal sa puso ng leading man niyang si JC Santos.

“Third party? Ay, si Bela Padilla ang gusto ko. Kasi sina JC at Bela, iconic na ang tandem nila. At fan din ako ni Bela, napakahusay niya, and now she’s directing pa.

“So kung may kalaban, dapat matindi ang kalaban, di ba? So, kay Bela ako!” buong ningning na sagot ni Janine.

Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.