Una sa Balita

Bela babae ang ‘dyowa’

0 683

Nilinaw ni Bela Padilla na hindi naman talaga sila nag-away ng BFF niya na si Dani Barretto. Hindi nga raw niya alam kung saan nangga­ling ang isyu na nag-away sila.

“Actually, ang dami kasing taong pakialamera sa social media. Kasi, wala naman kaming problema. Kaya nga nag-text ako sa kanya na, uy, okay ba tayo?” sabi ni Bela.

Pa-thirdwheel na nga raw siya sa relasyon ni Dani at ng mister nito. At sabi rin niya, kahit saang relasyon naman daw talaga, mapa-kapatid, mag-nanay, magkaibigan, palaging may konting tampuhan.

“Nagkaroon kami ng konting tampuhan, pero totally unrela­ted to all the issues na lumabas. Ang isyu naman, misunderstanding, lack of time dahil nagkasunod-sunod din ang trabaho ko.”

Pareho raw silang strong ang personality ng mag-BFF at kahit daw mas matanda siya rito, mas parang ito raw ang “ate” sa kanila at maurirat kung ano ang nangyayari.

Six years na rin daw silang mag-bestfriend kaya sobrang kilala na nila ang isa’t isa.

“Para ­kaming magdyowa,” natawang sabi pa niya.

Si Bela ang ­naging host ng announcement of 2019 Eight ­Official Entries for 2019 Metro Manila Film Festival na ­ginawa sa Club Filipino.

Sa walong official entries, ang ‘Mission ­Unstapabol: The Don Identity,’ ‘Sunod’, ‘The Mall, The Merrier’, ‘Mindanao’, ‘Write About Love’, ‘3Pol Trobol Huli Ka Balbon’, ‘Culion’ at ‘Miracle in Cell #7’ ay sa huli kasama si Bela.

Napanood ni Bela ang original Korean version nito at alam niya na maikli lang talaga ang role niya sa movie, pero damang-dama raw niya ang character niya.

“It’s weird kasi, ang ikli lang ng role ko, pero markadong-markado naman. At meron ­kaming konting twist du’n sa Korean na doon ako napapalakpak kay Kuya Aga (Muhlach).” (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy