Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bela, Angelica, Kim paangasan ng alindog

0 213

Sinimulan na ng mga star ang pagrampa sa labas ng Metro Manila para sa sandaling bakasyon.

Nakapag-bonding na ang magkakaibigang Bela Padilla, Angelica Panganiban, at Kim Chiu para sa 3rd anniversary ng kanilang friendship, na AngBeKi.

Naka-upload sa YouTube channel ni Kim ang kanilang unang out of town gimik sa gitna ng pandemic.

Mula sa driving, pati sa pagi-gatecrash sa birthday ng kaibigan ni Cherry Pie Picache, hanggang sa destinasyon nila sa tutuluyang bahay sa Subic. Masayang-masaya ang tatlo sa ilang araw nilang bakasyon.

Wala ring tulak kabigin kina Kim, Angelica at Bela dahil pare-pareho silang mga sexy at kakaiba ang angas ng kanilang alindog. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.