Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Beki OK sa A2Z! Vice dinepensa ni Bro Eddie kay Quiboloy

0 270

Hindi pa rin pala tapos ang ‘isyu’ sa pagitan nina Pastor Apollo Quiboloy at Vice Ganda.

At sa pagbabalik telebisyon (free TV, via A2Z channel 11) ng ‘It’s Showtime’ na kung saan ay si Vice nga ang main host, kasama sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, at iba pa, may mga naglabasang komento umano galing kay Pastor Apollo Quiboloy.

Ang pagiging ‘bading’ umano ni Vice Ganda ang binanatan ni Pastor Quiboloy sa mensahe niya kay Bro. Eddie Villanueva, ang may-ari ng A2Z channel 11.

Heto ang pahayag umano ni Pastor Quiboloy kay Bro. Eddie:

“O, Brother Eddie, maraming nagtatanong, papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly? Openly… this is on television promoting this.”

Na sinagot naman umano ni Bro. Eddie na:

“JESUS CHRIST is not a racist.. not a religious fanatic.. not a political fanatic…Jesus Christ the SON of the Living GOD died for all sinners hence JESUS LOVES ALL!”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.