Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Beki nalambat sa droga

0 25

Kalaboso ang isang beki makaraang mahulihan ng shabu sa buy-bust operation noong Martes ng hapon sa Brgy. Bical, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PLt. Colonel Marlon Cudal, nakilala ang suspek na si Allan Pagba Mariano alyas Alwina, 45, taga-Purok 3, Brgy. Kalikid Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija,

Sa pagsisiyasat ni PCpl Conrado M Alipio Jr., alas-5:30 ng hapon naglatag sina Lt. Col. Cudal, katuwang ang mga elemento ng NE Police Provincial Drug Enforcement Unit sa ilalim ni PLt. Col. Jonathan Meru ng anti-illegal drug buy-bust.

Unang nakunan ng isang sachet si Mariano at nang arestuhin ay karagdagang 10 sachet ng shabu ang nasamsam sa kanya nagkakahalaga umano ng kabuuang P350K. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.