Una sa Balita

Beijing Ducks inalok si Abueva ng 90M

0 532

Naiulat na inalok ng one year restricted contract na worth $1.8 million o nasa P93M si suspended Philippine Basketball Association player Calvin Abueva ng Phoenix Pulse.

Ang nakakatuksong dambuhalang kontrata ay hinatag ng Beijing Ducks, three-time China Basketball Association (CBA) champions. Isa sa 20 team ng 24-year-old pro league.

Kasalukuyang nasa indefinite suspension ang Fuel Masters point tapos siyang patawan din ng P70,000 multa nang bigwasan si TNT KaTropa import Terrence Jones at bastusin ang dyowa ni Blackwater rookie Bobby Ray Parks Jr.

Naganap ang magkasunod na insidente nitong Hunyo 2 sa Ynares Center sa Antipolo at sa Mall of Asia Arena sa Pasay sa laban ng Phoenix kontra Texters at Elite, ayon sa pagkakasunod.

Pero sa PBA rules, sinumang player na suspendido ay ‘di maaaring sumali sa anumang basketball league sa loob man o sa labas ng bansa. (Issa M. Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy