Una sa Balita

Beermen malinis kay McCulluogh

0 309

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30pm — SMB vs. Meralco
7:00pm — Magnolia vs. TNT

KUNG susumahin, parehong do-or-die ang San Miguel Beer at Meralco sa salpukan nila sa first game ng last eliminations schedule ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

“Talagang must-win kami,” ani Beermen coach Leo Austria kahapon. “Every game namin since three games ago, talagang treatment namin do-or-die na lahat ‘yan, eh. So far, nagwo-work. Sana bukas din.”

Sa mga panalong ‘yun, bida si Chris McCullough na 3-0 sapul nang palitan si Charles Rhodes at 5-5 na ang SMB.

Kailangang manalo ng Bolts para tapusin ang elims sa 4-7 at akbayan ang Alaska at Phoenix sa eighth at last spot sa quarterfinals. Kapag nagkabuhol ang tatlo, malalaglag sa 10th ang Fuel Masters dahil sa lower quotient at magbabalyahan ang Aces at Meralco sa last slot ng next round.

Kapag natalo ang Bolts, magiging No. 11 sila at magtutuos sa knockout game ang Alaska at Phoenix.

Kung mananalo ang Beermen, may tsansa sila sa No. 6, puwede pang umakyat ng isa kung tatalunin ng 9-1 TNT ang 5-5 Magnolia sa nightcap.

Ang mga nasa third-sixth ay rambulan sa best-of-three – No. 3 vs. No. 6, No. 4 vs. No. 5. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy