Una sa Balita

Beermen hinarana ang mga frontliner

0 470

PAGKATAPOS ng Heal the World ni LA Tenorio at ilang PBA stars noong isang linggo, San Miguel Beermen naman ang bumirit ng kanta.

Sa Instagram video ni Arwind Santos, binanatan ng Beermen ang We Are The World.

Parehong Michael Jackson ang kanta, bagama’t ang We Are The World ay bukluran at kolaborasyon ng iba’t ibang musical artists na tinawag na USA For Africa – komposisyon nina Jackson at Lionel Ritchie at ni-release noong 1985.

Paraan ito ng SMB para pasalamatan ang frontliners na sumasagupa sa coronavirus.

“Ang munting video po na ito ay para po sa lahat ng ating mga bayani na talaga pong nagmamahal at nagmamalasakit sa ating bansa at ating kapwa Pilipino,” caption ni Arwind sa post.

Pinasalamatan ng SMB forward ang doctors, nurses, military, pulis, security guards, janitors, public servants at ang San Miguel Corporation.

Pagkatapos ng pasalamat ni Arwind, birit na.

Si June Mar Fajardo ang bumasag sa unang linya ng kanta sa 3:13 video, sinundan ni Arwind.

May assist din sina Terrence Romeo, Mo Tautuaa, Von Pessumal, Alex Cabagnot, Matt Ganuelas-Rosser, Billy Mamaril, Marcio Lassiter, Gelo Alolino, Daniel de Guzman, Paul Zamar, coach Leo Austria, assistant coach Ato Agustin, Russel Escoto, Louie Vigil at Bambam Gamalinda. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More