Una sa Balita

Bebot tinaniman ng bala sa ulo

0 439

NAGING masaklap ang Bagong Taon ng isang babaeng negosyante makaraang barilin at mapatay ng hindi nakilalang gunman sa Lian, Batangas kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Anna­lisa Agustin y Sapico, 38-anyos, re­sidente ng Brgy. Malaruhatan.

Batay sa report ng Lian police, alas-11:35 nang umaga, nakasakay ang biktima sa CR-V na nakatigil sa harap ng kanilang bahay at naghihintay na mabuksan ang gate nang barilin ito sa ulo ng suspek na bigla na lamang sumulpot buhat sa likuran ng sasakyan.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Hindi naman nasaktan ang da­lawang batang kasama ng biktima sa sasakyan na pamangkin at anak nito.

Agad itong isinugod sa Apacible Memorial Hospital sa bayan ng Nasugbu subalit ideneklara na itong dead on arrival ng doktor.

Masusing iniimbistigahan ang pangyayari at inaalam kung sino ang salarin at kung ano ang motibo sa pagpatay. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy