Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bebot tigok sa suntok ng dyowa

0 116

Hinihinalang namatay sa suntok ng kanyang live-in partner ang isang babae nang mapuruhan ito sa pinakawalang upper hook ng huli sa kaliwang bahagi ng kanyang tainga sa gitna ng kanilang pag-aaway sa Indang, Cavite noong Huwebes ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Gen Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Annaliza Atatado ilang oras matapos ang pananakit ng kanyang live-in partner na si Robert Ramirez, kapwa residente ng Brgy Kaytambong, Indang, Cavite.

Sa ulat ni P/SMS. Oliver Riazon Jr., ng Indang Police, nagtalo muna ang dalawa sa hindi binanggit na dahilan na humantong sa panununtok ng suspek sa biktima bandang alas-7:30 ng gabi noong Huwebes.

Humantong sa barangayan ang away ng dalawa pero nagkasundo ang mga ito na aayusin ang kanilang gulo at magkasama ng umuwi ng bahay.

Gayunman, nakaramdam ito ng hirap sa paghinga bandang alas-11:00 ng gabi kaya isinugod ito ng kanyang kapatid sa ospital pero hindi rin ito nakaligtas. Ipina-awtopsiya na ang bangkay ng biktima para matukoy ang dahilan ng pagkamatay nito. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.