Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bebot pinatumba sa utang

0 134

Isinara na ng Manila Police District-homicide section ang imbestigasyon sa pagpaslang sa isang babae noong Lunes matapos matukoy ang gun man at mastermind sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PLt. Adonis Aguila, hepe ng MPD-HS, sinampahan na ng kasong murder sa Manila Prosecutors Office ang gunman at mastermind sa pagpaslang kay Abigail Ampil y Febres.

Hindi muna pinangalanan ni Aguila ang mga suspek habang di pa nahuhuli pero sinasabing ang `utak’ ng krimen ay kamag-anak ni Kagawad Frankie Seña Y Perez, 38, taga-Tondo na kinakasama ng biktima at tinamaan rin ng ligaw na bala sa balikat nang maganap ang krimen noong Nobyembre 29 ng hapon.

Nalaman na tutol umano ang `utak’ sa krimen sa pagsasama ng mga biktima dahil sa pagkakaroon ni Ampil ng malaking utang sa kanya. Ang suspek ay asawa rin ng isang barangay kagawad.

Hindi na umano matagpuan ang suspek at inginusong gunman.

Nauna rito’y patraydor na binaril ng gunman si Ampil sa ulo habang naglalakad kasama si Seña na tinamaan naman ng ligaw na bala sa balikat sa Tondo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.