Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bebot pinasabog ang bungo

0 112

Patay ang isang 39-anyos na babae matapos itong barilin sa ulo at hiwain ang dibdib ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tondo, Maynila noong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Mariafe Villafranca, ng Aroma Bldg. 14, sa Tondo, Maynila habang inilarawan naman ng mga nakasaksi sa krimen ang suspek na naka-sumbrero, naka-puting tshirt, itim na pantalon at may taas na 5’7”.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. John Kevin Zuniga ng Manila Police District-homicide section, nabulabog ang mga residente sa Helping Building 7 nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril bandang alas-11:00 ng gabi.

Nakabulagta ang biktima habang hawak pa ng suspek ang baril nito nang mabungaran nila ang mga ito sa nasabing lugar. Tumakas ang biktima patungo sa direksiyon ng Building 3.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa krimen. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.