Una sa Balita

Bebot na ‘salisi’ tiklo sa GPS

0 232

WALANG kawala ang isang 18-anyos na babae makaraang matunton ang kanyang kinaroroonan dahil sa Global Positioning System (GPS) na naka-kabit sa cellphone na ninakaw nito sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi.

Hindi na nakapalag pa si Arianne Cantojos, 18, nakatira sa Mary Grace Compound, Santa Rosa, Marilao, Bulacan nang posasan siya ng mga pulis na kasama ng negosyanteng si Rex Mirante Coronel, 37, residente ng No. 5 I. Fernando St., Brgy. Malanday, Valenzuela City.

Kuwento ni Coronel bandang alas-11:45 nang gabi, nag-iinuman sila ng mga kaibigan sa loob ng kanyang bahay kasama si Cantojos.

Makaraan ang ilang sandali, nagpaalam at umalis ang suspek at naiwan ang biktima at mga kainuman nito.

Dahil may tatawagan hinanap ni Coronel ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P25,000 pero wala na ito sa kinalalagyan.

Sa pamamagitan ng GPS sa cellphone, na-trace ng biktima ang kinaroroonan ng kumuha at nalaman na nasa Valenzuela City Peoples Park sa Mac Arthur Highway, Brgy. Malinta ang may hawak nito.

Laking gulat ni Cantojos nang bigla siyang salubungin at posasan ng mga pulis kung saan nasamsam sa kanya ang cellphone ni Coronel.

Kinasuhan sa Valenzuela Prosecutor’s Office ng theft (salisi) ang suspek. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy