Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bebot minanyak ng sarhento sa motel

0 166

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang isang pulis matapos umano nitong ipasok at manyakin sa motel ang 18-anyos na dalaga sa Sto. Tomas City, Batangas noong Miyerkoles.

Batay sa report ng Sto. Tomas City police station, may ranggong Police Executice Master Sergeant (PEMS) ang suspek, 51-anyos at nakatalaga sa Taysan, Batangas Municipal Police Station.

Ayon sa biktimang si ‘Krystal’, napilitan siyang magpasundo sa suspek matapos kumpirmahin ng kanyang tiya na kasama niya sa bahay na daraanan siya nito sa kanyang trabaho sa Brgy. San Roque, Sto. Tomas noong Miyerkoles ng alas-10:00 ng gabi.

Gayunman, pagsakay niya sa itim nitong van ay hindi sa bahay kundi sa Greasewood Hotel sa nasabing lungsod siya dinala ng suspek. Dahil sa takot ay sumunod umano siya rito nang utusan siya nito na bumaba sa sasakyan.

Pagpasok sa silid ay agad umano siya nitong niyakap, hinalikan at hinipuan sa maseselang bahagi ng kanyang katawan. Natigil umano ang ginagawa ng pulis nang umiyak siya ng malakas kaya nagpasiya na lang ito na ihatid siya sa bahay. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.