Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bebot kinalawit sa P313K shabu

0 230

Dinakip ang isang babaeng hinihinalang tulak ng droga matapos makuha sa kaniya ang P313,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.

Pinangalanan ang suspek na si Reichell Alvarez, 41-anyos.

Ayon sa hepe ng Quezon Police na si Police Colonel Joel Villanueva, pinagbentahan ni Alvarez ang kanilang undercover agent ng isang pakete ng shabu sa Brgy. Dalahican.

Dito na nahuli si Alvarez at nasamsam umano ang limang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 15.36 gramo, at ilan pang illegal substance na kabuuang nagkakahalaga ng P313,344.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.