Una sa Balita

Bebot inararo ng saksak sa motel

By
0 34

Duguan, wala nang buhay, at tadtad ng saksak ang katawan nang madiskubre ang bangkay ng isang 29-anyos na babae sa loob ng isang motel sa Bautista St., Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO2 Bernardo Cayabyab, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang biktimang si Joan Echipare.

Ayon sa roomboy ng motel na hindi muna pinabanggit ang pangalan dahil sa isinasagawang follow-up operation, dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa Room 447 ng motel.

Hindi na nakita ang kasama nitong lalaki nang mag-check-in dakong alas-otso ng gabi kamakalawa na siyang hinihinalang pumatay sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Cayabyab na posible umanong naganap ang pagpaslang sa biktima habang ito ay natutulog dahil walang palatandaan na nagkaroon ng komosyon sa loob ng kuwarto.

“Walang unusual na pangyayari e, maski ‘yung mga kalapit na kuwarto walang narinig, medyo malambot pa ‘yung katawan posibleng mada­ling-araw ito pinatay,” ayon kay Cayabyab.

Patuloy naman iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng krimen at ang pagkakilanlan ng suspek.