Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bebot buking sa ATM modus

0 177

Natimbog ng mga awtoridad ang isang babaeng miyembro ng tinaguriang ‘glue gang’ na sumasabotahe sa mga automated teller machine o ATM sa isang operasyon sa San Antonio, Quezon noong Martes.

Kinilala ang suspek na si Lunalyn Griño De Pedro, 38-anyos, tubong Iloilo City, at kasalukuyang nakatira sa Barangay San Jose, Lipa City.

Batay sa report ng San Antonio police, naaresto ang suspek matapos maaktuhang nilalagyan ng pandikit ang zero at cancel button ng isang ATM ng Landbank sa naturang bayan.

Nakumpiska mula kay De Pedro ang tatlong ATM card na may iba’t ibang pangalan, mga Suki card, at iba’t ibang mga ID.

Nasamsam din ang isang piraso ng shoe glue.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa katauhan ng suspek at kung may iba pa siyang mga nabiktima sa kanilang modus. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.