Una sa Balita

Bebot binaril sa mukha

By
0 6

Sugatan at ginagamot pa sa ospital ang isang babae matapos na ito ay barilin ng hindi nakilalang lalaki sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Shirley Ann Sarmiento Gorango, 34-anyos, residente ng Barangay San Antonio, Los Baños.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba police, bandang alas-11:30 ng gabi, pasakay sana ang biktima sa jeep nang barilin ito ng gunman na nakasuot ng bullcap.

Nagtamo ito ng isang tama sa mukha at agad isinugod sa Dr. Jose P. Rizal Memorial District Hospital.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang im­bestigasyon sa insidente at inaalam kung ano ang motibo at kung sino ang suspek sa krimen.