Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bebot 5 beses sinaksak ng kawatan

0 69

Naligo sa sariling dugo ang isang babae nang pasukin ang tinitirahan nito at burdahan ng saksak sa Malabon City, Linggo ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center si Christina Hipolito, 35, residente ng 11th Avenue, Barangay 68 ng nasabing lungsod, sanhi ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang naaresto ng mga tanod ang suspek na si Jerome Tayubong, nasa hustong gulang, subalit hindi nakuha ang patalim na ginamit sa krimen.

Ayon sa report , dakong alas -6:30 ng gabi nang looban ng suspek ang bahay ni Hipolito, kung saan naging madali ang pagpasok dahil hindi nakakandado ang pintuan.

Sanhi ng kaluskos sa sala ay lumabas ng kuwarto ang biktima kung saan nakita niya si Tayubong, at agad na pinagsasaksak ang babae matapos mahuli sa akto.

Nahaharap sa kasong robbery with homicide ang suspek. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.