Una sa Balita

Beauty queen ni-rape slay

By
0 1

Karumal-dumal ang sinapit ng isang beauty­ queen makaraang gahasain at patayin at pagkatapos ay itinapon ang bangkay sa maputik na paliguan ng kalabaw noong Miyerkules sa Davao del Norte.

Kinilala lamang sa pangalang Kimberly, ang biktima na sinasabing na­ging kandidata ng Mutya ng Samal noong 2016.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-11:00 ng tanghali nang isagawa ang panggagahasa at pagpatay sa biktima kung saan bandang ala-1:00 naman ng hapon nang matagpuan ang bangkay nito na nakalub­lob sa maputik na sapa na pinagliliguan ng mga kalabaw.

Sa ngayon, ayon sa pulisya ay isang nakila­lang si Ricardo Sale, 50, na nakita sa di kalayuan sa kinatagpuan ng bangkay ng biktima ang dinala ng pulisya para sa pagtatanong matapos ding mapansin na puno ng putik ang damit nito.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente habang ang bangkay ng biktima ay isinasailalim pa sa awtopsiya.