Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Beauty queen nginusong hubad na bebot sa video ni Cesar Montano

0 424

Sinagot ni beauty queen Sandra Seifert ang tanong ng isang netizen kung siya rin ba ang babae na nakitang nakahubad sa viral video greeting ni Cesar Montano.

Ito’y matapos na kumpirmahin ni 2009 Miss Philippines Earth na siya’y may anak sa dating action star.

Ayon sa isang netizen, “So confirmed si Sandra nga ba ang kumabit kay Cesar at nasa viral video??”

SM food to go Banner Ad

May pa-hashtag pa na #kabit, #imoral, #pakawala, #mistress at #ahas ang naturang netizen.

Kalmado namang sumagot si Seifert, “Sorry to disappoint you but I’m not the woman in the viral video. Pls do your research so you can find out who she is.”

Matatandaan naman na nag-viral si Cesar matapos na mag-post ng birthday greeting noong 2018 kung saan nakita ang isang nakahubad na bebot sa background. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.