Una sa Balita

Beauty queen ng Cebu, pharmacy board exam topnotcher

0 553

MAGANDA na, matalino pa. Ito ang katangian ng 19-anyos na si Louise Tan Theunis ng Cebu matapos itong maging topnotcher ng Pharmacist Licensure ­Examinations ngayong taon sa score na 91.55 percent.

Ang Filipina-Belgian ay nagtapos na magna cum laude sa Cebu Doctors University (CDU) noong nakaraang taon.

Ipinanganak siya sa Zamboanga City kung saan ang ama niya ay may PhD sa entomology, habang ang kanyang ina ay dating nagtrabaho sa foreign research institute.

Bukod sa angking katalinuhan, noong 2016 ay naging first runner-up naman siya ng Miss Mandaue pageant sa Cebu.

Lumahok din siya sa Ms. Intramurals sa kanilang eskuwelahan at nanalo bilang first runner-up.

Si Theunis lang ang nag-iisang nakapasok sa Top 10 mula sa nasabing unibersidad. Ang iba pang nakapasok ay mga nag-aral sa Centro Escolar University, University of Sto. Tomas (4), Central Philippine University, Adamson University, University of San Carlos at UP-Manila (2).

Sa 4,230 kumuha ng pagsusulit, umabot lang sa 2,927 ang pumasa sa nasabing board exam.