Una sa Balita

Beauty pinaiyak ng ‘Kadenang Ginto’ cast

0 520

Hindi napigilang humagulgol ni Beauty Gonzales sa surprise birthday bash ng cast “Kadenang Ginto” para sa kanya.

Sa uploaded video sa YouTube channel ng ABS-CBN entertainment, kitang-kita ang nagulat na reaksyon ni Beauty sa paglabas ng buong cast na may dala-dalang cake at balloons. Isa-isa ring nagbigay ng touching message ang co-stars niya na nagpaluha sa 28-year-old actress.

“Thank you, ‘Kadena’ kasi honestly after 11 years of my career, this is the first time na nag-bloom ako. It feels good to go to work kasi we are family here,” pasasalamat ni Beauty.

Lumabas din ang pagkakalog niya dahil nang ayain siya sumayaw ng “Gold Squad” ng dance craze nila na “Halo-Halo,” game na game siyang humataw!

Binigyan din siya ng mahigpit na group hug ng buong cast upang ipadama pa ang masayang pagbati nila sa aktres.

Nakakatuwang makita ng fans ang ganitong moments ng mga idol nila dahil napapakita nito na normal din silang mga tao gaya nating lahat. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy