Una sa Balita

Beauty nilagnat sa paghuhubad

By
0 686

Pasok na pasok sa summer peg ng mga netizen si Beauty Gonzales! Eh kasi naman, lumiliyab sa kaseksihan ang kanyang kauna-unahang bikini photoshoot!

Yes, unang beses pa lang daw siyang nag-photoshoot na naka-bikini at talaga nga namang hindi pinalagpas ito ng mga fan!

Ang sabi ng aktres sa kaniyang caption, pinawisan talaga siya sa pag-photoshoot at nilagnat siya nang malala kinabukasan. Labis daw ikinatutuwa ng aktres na umuusad ang pag-build up ng kanyang self confidence na nais niyang i-apply rin sa kanyang anak na babae.

Paliwanag pa ng aktres na kaya raw siya nagpo-post ng sexy pictures ay hindi para akitin ang kalalakihan kundi para ma-inspire ang mga kababaihan na maging komportable sa kanilang katawan at maging ma­lakas.

So dahil dito, tuwang-tuwa at punong-puno ng inspirasyon ang kababaihan sa naturang post ng aktres. Bonggang pasasalamat pa ang bumuhos sa comment section ng Instagram ni Beauty dahil nga mas lalong nabuhayan ng loob ang kababaihan sa kaniyang words of encouragement.

Mas dumami rin ang humanga sa aktres at talaga rin daw inaabangan siya sa ‘Kadenang Ginto’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy