Una sa Balita

‘Beauty’ ni Luis dinedma ng mga boylet

0 291

By Dondon Sermino

Naghamon ng landian:
Usong-uso ngayon sa social media ang application na ang mukha ng la-lake ay nagiging babae, at ang mukha ng babae ay nagiging lalake.

At siyempre, sa ganitong kalokhan, hindi pahuhuli si Luis Manzano. Agad-agad nga niyang sinubukan ang app na ‘yon, at sinubukan kung sino ang kahawig niya, o kung maganda ba siya kapag naging babae siya.

“So ito pala itsura ko pag babae ako, ano boys? Lalandiin niyo ba ako? Girls, ibi-bff niyo ba ako?” sabi ni Luis.

Well, marami ngang nabanggit na pangalan ang mga follower ni Luis sa kung sino ang kahawig niya. Pero, mukhang lamang na lamang ang mortal niyang kaibigan, kaaway na si Alex Gonzaga, ha! Kunsabagay, sa unang tingin, iisipin mo ngang si Alex ang nasa photo. Pero, hindi rin maikakaila na kahawig din siya ni Winwyn Marquez, ha!

Heto ang komento ng mga fan:
mrsmanzano06: “Kamukha mo si Alex Gonzaga dito! @luckymanzano.”
ziyethe: “Ang ganda mo. Kabog SI Jowa haha. Isama mo pa sI Ate Vice? Hindi Kita nakilala!”

bong.sanchez: “You’re a natural beauty!”
iamcristydizon: “@cathygonzaga is that u?”
smcgmojica: “Kala ko Carmina Villaroel.”
tonz.ton: “May hawig ka kay @kylaalvarez.”
emphi_munlawin: “Rachel Ann Go? Is dat yu?”
nahnah421: “Korina Sannchez. Ikaw bah yan?”
kornikuzholiouz: “Kamukha mo si Winwyn Marquez.”
Pero ‘yun na nga, sa dinami-rami ng komento, panalo talaga ang pagkukumpara nila kay Alex bilang kamukha ni Luis kapag nagpaka-girl na siya.
Regarding sa kagustuhan niyang makipaglandian sa mga boylet, parang walang pumatol, dahil mas type nilang asarin si Luis na kahawig ni Alex. Hahahahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy