Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Beauty natakot kina Ariel, Sid

0 130

Naging emosyunal si Beauty Gonzalez sa pamamaalam sa kanyang daughter na si Olivia dahil sasabak na siya sa second lock-in taping para sa GMA Afternoon Prime Series na The Fake Life.

“Last day before I fly to lock in for #TheFakeLife I’m gonna miss you Olivia!!!!” caption ni Beauty sa IG post niya.

First time na makakasama ni Beauty sa isang teleserye sina Ariel Rivera at Sid Lucero na parehong mahuhusay na aktor kaya kabado parati ang aktres sa mga eksena niya.

“I’m challenged sa mga nakakatrabaho ko. Both Ariel and Sid are good actors. Nakakakaba talaga. Kailangan prepared ako talaga para di ako mapahiya sa kanila,” sey ni Beauty.

Kasama rin sa The Fake Life sina Kristoffer Martin, Bea Binene, Jake Vargas, Shanelle Agustin, Carlos Dala, Will Ashley, Rina Reyes, Saviour Ramos, Bryan Benedict, Jenny Miller, and Faye Lorenzo. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.