Una sa Balita

Beauty nahuhumaling sa mga hubad na babae

0 551

Hanggang sa kanyang painting ay lumalabas ang pagiging bold and daring ni Beauty Gonzales, at makikita ‘yon sa image na nabuo sa kanya ng netizen sa mga sexy bikini shots niya.

Nude painting ang nakakahiligang concept ng pagpipinta ni Beauty na naka-post sa kanyang Instagram. Makikita ang iba’t ibang babae sa painting na nakalabas ang kanilang mga dibdib at ang iba naman ay puwet.

Ito ang unang pagkakataon ng “Kadenang Ginto” lead actress na ipamalas ang kanyang galing sa pagpipinta gamit ang oil canvass. Pinuri si Beauty ng kanyang mga fan, supporter sa talent niyang ito, at nagtatanong pa ang iba kung kailan ito maglalabas ng exhibit.

Pero mukhang malabong umabot sa exhibit si Beauty dahil sa caption, may pinaglalaanan na siyang pagbigyan ng kanyang obra. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy