Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Beauty, Kiko magtitikiman

0 156

Ang bongga ng mga pelikula, teleserye sa iWantTFC, ha! Imagine, puwedeng-puwede nan gang ma-enjoy ng mga Filipino sa buong mundo ang mga Kapamilya teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Walang Hanggang Paalam,” at “Bagong Umaga,” 48 oras bago sila umere sa kahit anong platform o channel. Pwede rin nilang ma-enjoy ang tuloy-tuloy na panonood nang walang ads.

Sa iWantTFC din ekslusibong napapanood sa buong mundo ang “La Vida Lena” ni Erich Gonzales.

Exciting din ang taong ito dahil maglalabas pa ang iWantTFC ng mga bago at paparating na Originals gaya ng “Bawal Lumabas” nina Kim Chiu, Kyle Echarri, at Franchine Diaz, “Hoy Love You” na itatampok ang pagbabalik-tambalan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa, “I Can Wait Forever” nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, “He’s Into Her” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at “Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz,” ang pinakabagong episode sa anthology series kasama sina Beauty Gonzalez and Kiko Estrada. Bongga ito, dahil bagong tandem ito, na magtitikiman, o matitikman ng mga manonood.

Para ma-enjoy ang mga ito, kailangan lang mag-download ng iWantTFC app sa Google Play o Apple App Store o pumunta sa iwanttfc.com at gumawa ng bagong account. Pwede ring ma-enjoy ng bagong users ang 30-day free trial sa app. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.