Una sa Balita

Beauty at Bianca, tumitindi ang insultuhan, iringan!

By
0 8

In na in ngayon sa mga teleserye ang talakan, sabunutan, insultuhan, pagandahan ng mga artistang babae.

At sa Pusong Ligaw, hindi na rin mapigil ang matinding iringan at patutsadahan nina Marga (Bianca King) at Tessa (Beauty Gonzales).

In the mood for love – Wong Kar-Wai @fujifilmph #FujiXT20

A post shared by Bianca King (@bianca_king) on

Sa kwento, ­inangkin na nga ni Marga ang moment ni Tessa sa paglulunsad ng ‘TeriVida’ clothing line.

Sa halip na si Tessa ay si Marga ang nag-speech sa harap ng mga bisita at sinabi pang ideya niya ang ‘TeriVida.’

Maging ang anak ni Tessa na si Rafa (Enzo Pineda) ay ­hindi pinalampas ni Marga nang pinaniwala nito na siya ang magiging date ni Vida (Sofia Andres) sa ball.

Wala namang kamalay-malay si Potpot (Diego Loyzaga) na may masama palang balak si Marga nang inaya siya nitong sunduin at maka-partner ang anak.

Kasabay ng ­pagtindi ng ­bangayan ay ang nalalapit naman na ­pagsabog ng ka­totohanan dahil ­muling ­pinabuksan ni Jaime (Raymond Baga­tsing) ang ka­so sa nawawa­lang anak ni Tessa sa pag-asang ito ang daan para mag­kaayos silang dalawa.

Tila paglalaruan na naman sila ng tadhana dahil madidiskubre ni ­Marga ang tungkol dito.

Paano gagamitin ni Marga ang natuklasan para maungusan si Tessa sa laban? Paano rin kaya tatanggapin ni Potpot ang katotohanang siya ay ampon lang ng kinagisnang pamilya?

Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram. (DS)

Mika dela Cruz, super-kilig kay Gil Cuerva!

Tawang tawa kami sa nakita naming post ni ­Angelika dela Cruz recently sa kanyang IG story kasama ang kanyang kapatid na si Mika at Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva dahil kitang-kita ang kilig sa kanila nung makatrabaho nila ang Kapuso actor.

‘Yun pala ay para ito sa upcoming episode ng Dear Uge this Sunday (Sept. 3) entitled KDrama Rama.

Mika plays the role of Rona na super ­K-drama fan na gagawin ang lahat makita lang ang kanyang super crush na si Dong Hyeon (Gil Cuerva). Hanggang saan kaya ang kayang gawin ni Rona para lang sa paghanga sa iniidolo?

💙💙💙 @apartment8clothing |

A post shared by Mika Dela Cruz (@mikadlacruz) on

Makakasama rin nila ang My Korean Jagiya star na si Alexander Lee this Sunday sa Dear Uge!

Speaking of My Korean Jagiya, bukod sa kakulitan ni Heart Evangelista as Gia, maraming K-Drama addict ang hindi magawang bumitaw sa kwento nito, dahil sa husay sa pag-arte ni Alexander Lee as Jun Ho.

Puring-puri siya ng netizens dahil kahit saan mo raw siya ilagay—pag-iyak, pagpapatawa o kahit pagdidisiplina sa anak-anakan niyang si Pao, madadala ka talaga. aya naman ang viewers hooked na hooked sa kilig series na ito ng GMA.

In fact, marami sa kanila ang madalas ulit-ulitin sa Youtube ang highlights ng episode every night.

Miss World PH sa GMA-7! 

Ngayong September 3, makikilala na ng buong bayan ang tatanghaling Miss World Philippines 2017 dahil mapapanood ang coronation night sa GMA Network.

Maglalaban-laban ang naggagandahang 35 candidates na mula sa iba’t ibang panig ng bansa para i-represent ang Pilipinas sa gaganaping Miss World pageant sa China sa November 18.

Kokoronahan din ang ilang kandidatang tatanghalin bilang Reina Hispanoamericana Filipinas 2017, Miss Multinational Philippines 2017, at Miss Eco Philippines 2017.

Hosted by Iya Villania, KC Montero at Carla Abellana, mapapanood ang Miss World Philippines sa SNBO pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.