Una sa Balita

Beautician, 2 pa timbog sa buy-bust

0 233

ARESTADO ang isang gay make-up artist at dalawang parokyano nito sa buy-bust operation sa bahay nito na ginagawang drug den sa Nasugbu, Batangas kamakalawa nang gabi.

Kinilala ng Nasugbu Police ang naaresto na sina Richard Orcuse alyas ‘Rachelle’, 41-anyos, make-up artist at residente ng Brgy. Wawa; Juanito Romero y Gulayan, 50, at Jun Jun Romarate, 34.

Nadakma si Orcuse alas-11:30 nang gabi matapos nitong magbenta ng isang sachet sa agent ng pulisya.

Naaresto naman ang dalawa matapos na maaktuhan ang mga itong nagsasagawa naman ng pot session sa bahay ng nasabing tulak.

Nakumpiska sa mga ito ang kabuuang anim na sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nakakulong na ang mga suspek sa Nasugbu police station locked up cell at sasampahan na ang kaso. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy