Una sa Balita

Beau ‘Extra Rice’ Belga bumangga giba!

0 196

Sinumang manlalaro, magdadalawang-isip sumalaksak sa loob lalo na kung ang sasalubong sa kanila ay isang pader.

Pader na hinubog ng “Extra Rice”.

Isa si Rain or Shine Elasto Painter­s big man Beau Belga sa maituturing na haligi ng Philippine basketball ngayon, sa lapad at angas ng tubong Sorsogon player, isa na siya sa mga pinangingilagan at kinatatakutan pagdating sa hard court.

Bakit nga ba siya tinawag na Mr. Extra Rice?
“Well it started sa Burger King franchise and we have a big import also, si Shawn Daniels tapos sakto magka-teammate kami ni JR Quiñahan kaya kami tinawag na ‘extra rice’ dahil ang lalapad namin, so doon nag-start,” kuwento nito.

Tuwing sasabak sa laro, laging naka-’Game Face Mode’ si Belga, laging seryoso—na handang manungab anumang oras.

Focus sa laro pero sa pakikipag-usap ng Abante sa kanya, meron itong inamin.

Taliwas sa mga napapanood ng ilan sa TV at sa mga nakikitang imahe nito sa social media, inamin ng two-time PBA champion na isa sa mga hindi alam ng marami tungkol sa kanya, ay ang pagi­ging kengkoy at maloko nito.

“Mukha akong seryosong tao pero hindi, ‘yun siguro ‘yung hindi nila alam and more on bully type person ako especially when it comes to my team,” lintanya ni Belga sa panayam ng Abante sa pagdalo nito sa Usapang Sports ng TOPS kamakailan.

“Nakikita nila kung gaano ako kasalbahe.”
Nawawala ang pagiging ‘bully’—kung ilarawan niya ito—sa kanyang teammates kapag may pinagdaraan itong problema at dito na nagsisimulang lumabas at magpakita ang mas seryosong Belga.

“Hindi ako ‘yung taong tahimik, kapag ako tahimik ibig sabihin nu’n may problema ako and ‘yun naman ako,” sabi nito.

q&a

Abante: Ano pa ‘yung sports na nilalaro ninyo?
Belga: Dati volleyball player ako noong high school pero I stopped when I started playing basketball.

Abante: Ano po ‘yung usual routine ninyo before and after game?
Belga: No routine at all. Gigi­sing lang ako, maghahanda ako ng pagkain, tulong kami ng asawa ko and usually go to game, ‘yun lang.

Abante: Payo sa mga kabataan na gustong pasukin ang sports
Belga: If you have a dream of being a sportsman just continue with it. Huwag ninyong isipin na mahirap dahil wala namang madali sa buhay ng tao, lahat pinaghihirapan. And if you succeed on anything na ginawa mo, no regret at all magiging masaya ka habambuhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy