Una sa Balita

Beal pinaputukan ang Pistons

0 311

NAGSALANSAN si Bradley Beal ng 20 points at 6 assists, ­umayuda ng 14 markerss at 8 boards si Thomas ­Bryant at pinagdiskitahan ng Washington Wizards ang Detroit Pistons ­115-99 Lunes nang gabi.

Dalawang araw matapos matambakan ng 22 sa Minnesota Timberwolves sa 74th NBA 2019-2020 regular season game, ­nakabawi ang Wizards sa tulong ng 12 markers at 4 boards ni rookie Rui Hachimura at 9 points, 6 assists ni Isaiah Thomas.

Kontra Wolves, naigapos sa 2 of 11 shooting at season-lows 4 points at 2 rebounds si Hachimura, ang ­unang Japanese player na tinapik sa opening round ng NBA draft.

Kinalsuhan din ng Washington ang ­20-20 games ni ­Detroit big ­Andre ­Drummond. Tangkang ­maging ­unang player sa ­nakalipas n 35 ­seasons na makapagposte ng apat na sunod na at least 20 points at 20 rebounds, nagbaba si Drummond ng 24 boards pero nadiyeta sa 15 points. Maalat na 6 of 20 mula sa floor si Drummond, 1 of 6 sa fourth quarter nang magsimulang kumalas ang Washington.

Namuno ang 24 points ni Luke Kennard sa Pistons na ­naglarong wala sina Blake ­Griffin (left hamstring), ­Derrick Rose (right hamstring) at Reggie Jackson (­lower back). (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy