Una sa Balita

Beach volleyball bobomba sa pre-SEA Games event

0 368

MASUSUBOK ang tibay at kakayahan ng 30th ­Southeast Asian Games bound Philippine men at women’s beach volley team sa pagsabak sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open simula Biyernes sa Sands SM by the Bay.

Optimistiko ang apat na pares na kabilang sa ­Larong Volleyball sa Pilipinas Incorporated kasama si national training director Peter Cayco sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila na makakakuha sila ng medalya sa kada dalawang taong torneo.

Makakasagupa ng Pilipinas ang mga karibal sa Southeast Asia na Malaysia at Thailand gayundin ang mga kalahok mula sa Palau, Hong Kong at New ­Zealand sa tatlong araw na torneo na inoorganisa ­katulong ang Beach Volleyball Republic.

Ang koponan ay binubuo ng pares nina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons asam maibigay sa Pilipinas ang una nitong podium finish sa sand court makalipas ang 14 na taon. Ang isa pang pares ng kababaihan ay ang tambalan nina Angeline Marie “Dzi’ Gervacio at Floremei Rodriguez. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy