Una sa Balita

Beach volley, Malditas, floorball sasabak ngayon

0 241

SISIMULAN ng national men at wo­men’s team ang laban para sa inaasam na gintong medalya sa pagsambulat ngayong umaga ng 30th Southeast Asian Games beach volleyball competitions sa Subic Tennis Center.

Habang isinusulat ito ay hinihintay ng women pair nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons gayundin nina Dzi Gervacio at Floremel Rodriguez ang resulta ng isasagawang draw na dadaluhan ng mga coach at team manager gayundin sa pagdedetermina sa men’s team.

Ang men’s team ay binubuo naman nina Edmar Bonono at Jude Garcia pati na rin nina Anthony Arbasto at James Buytrago na asam makapagtala ng makasaysayang pana­lo sa kada dalawang taong multi-sports na torneo.

Samantala’y ipagpapatuloy ng Malditas ang walang talo nitong record sa pagsungkit sa inaasam nitong pagtuntong sa quarterfinals sa pagsagupa sa Malaysia sa Biñan Football Stadium.

Puwersado naman ang Azkals U23 na pinangungunahan ni Stephen Schrock na ipanalo ang laban nito kontra sa 2017 runner-up sa men’s football na Malaysia upang makausad at makasiguro ng isang silya sa apat na koponan na uusad sa cross-over semifinals.

Nabigo ang Azkals U23 sa huli nitong laban kontra sa Myanmar matapos hindi mapigilan ang kalaban sa huling 11 minuto ng labanan.

Ipagpapatuloy rin ng pambansang koponan sa floorball ang kampanya nito sa ikalimang araw ng labanan sa pagsagupa nito sa Malaysia sa men at women’s category sa U.P. College of Human Kinetics Gym.(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy