Una sa Balita

Bea, Vhong pinakain ang mga stranded UP student

0 475

Tuluy-tuloy pa rin si Bea Alonzo sa pagpapakain sa mga apektado ng ECQ o lockdown sa kooperasyon ng kanyang foundation ang I AM HOPE ORG.

Sa pagkakataong ito hindi nabigo ang Kapamilya actress na makapagluto ng mas maraming pagkain para sa mga beneficiary dahil nagawa niyang makapag-prepare ng 500 meal packs.

Sa Instagram posts ni Bea, sinabi niyang nakapagluto siya ng sakto sa inaasahan nyang 100 katao.

Ang isa pang 100 packed-meals ay niluto naman ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya.

Ang 300 prepared-meals ay galing sa mga volunteers na niluto sa kanilang headquarters.

Ang mga home-cooked pack meals na ito ay para sa mga estudyante sa UP Diliman na na-stranded nang ipatupad ang lockdown sa buong Metro Manila. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More