Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea umayuda sa mga mangingida

0 13

Kung ang ibang mga celebrity ay tila nagpahinga na sa pag-abot ng kanilang tulong, iba si Bea Alonzo. Heto nga at tuluy-tuloy pa rin ang pagkakawanggawa niya sa ilalim ng kanyang team, ang ‘I Am Hope Org.’

Nagpadala si Bea ng maraming relief goods sa Batangas para sa mga nasalanta ng bagyong Jolina. Pinoste ni Bea ang ilan sa mga larawan ng out-reach project nila sa mga mangingisda ng Brgy. Calayo, Batangas.

“@iamhope.org voyages to transport relief goods to displaced residents and victims of the recent typhoon Jolina in Brgy. Calayo Batangas 1,600 relief packs were distributed,” chika ni Bea.

Pinasalamatan ni Bea ang ilang mga tao na siyang naging bahagi ng operation, kabilang na ang aktor na si Edu Manzano.

Nasa mukha ng mga nabigyan ng mga relief goods ang kasiyahan ng mga ito sa tulong ng aktres.

Kasama sa foundation na ito ni Bea ang misis ni Vhong Navarro.

Ang swerte talaga ni Dominic Roque. Bukod sa maganda ang kanyang girlfriend, mabuti pa ang puso nito. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.