Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea sabik sa canton

0 84

BUKOD sa paglalaro ng volleyball, miss na rin ni volleybelle Bea de Leon ang kanyang mga former teammate sa Ateneo at ang kanilang pagka-canton.

Ibinahagi kasi nig 25-anyos na spiker sa kanyang Instagram post ang throwback photo kasama ang Lady Eagles star na sina Ponggay Gaston, Kim Gequillana, Deanna Wong, Kat Tolentino at Jamie Lavitoria na magkakasalong nagpapansit-canton.

“Miss ko na to!,” caption ni Bea kasama pa ang color purple na heart na nagangahulugang Team Choco Mucho.

Bukod kasi sa nakasama ni De Leon ang mga nabanggit na balibolista sa UAAP, magkakatropa pa rin ang mga ito sa PVL team niyang Choco Mucho Flying Titans.

Huling pumalo si 5-foot-11 middle hitter Bea sa 2021 PVL Open Conference kung saan nagkasya sila sa 4th place. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.