Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea Rose nagdusa sa kidney transplant

0 133

Unti-unti nang nakaka-recover sa pinagdaanang kidney transplant si Miss International 2013 Bea Rose Santiago.

Sa Canada na naka-base si Bea at doon siya nagpapa-dialysis hanggang sa magkaroon siya ng kidney donor at iyon ay ang kanyang kapatid.

Ayon sa former beauty queen, hindi raw madali ang pinagdaanan niyang operasyon at kinailangan daw niyang tiisin ang physical pain pagkatapos ng transplant. Nakadagdag pa raw sa kanyang pag-aalala nang pumanaw ang kanyang roommate sa ospital. Nasaksihan pa raw niya kung paano sinubukang i-revive ito.

“During my hospital stay not only was I in pain from the transplant, I also went through the trauma of code blue roommate witnessed her being resuscitated for 30mins straight and a COVID-19 scare. I didn’t see my family for a few days. Losing my hospital friend taught me life is short and too precious to waste time. Say I love you’, hug tightly and kiss passionately,” sey ni Bea.

Taong 2018 nang ma-diagnose si Bea with chronic kidney disease. Limang beses sa isang linggo siyang nagpapa-dialysis habang naghihintay siya ng kidney donor.

“It’s either you get better, or you get bitter. It’s really that simple. You have to take what life has been dealt to you and allow it to make you a better person, better version of yourself, or it will consume you. I don’t want my pain to make me a victim. I want my story, my battle, to make me someone else’s inspiration,” pahayag pa niya.

Nagbigay babala si Bea na kunsultahin muna ang kanilang doktor bago sumubok ng mga diet at pre-workout drinks at ang paggawa ng mabibigat na exercises dahil naging cause ang mga ito sa pagkakaroon niya ng sakit sa kidney. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.