Una sa Balita

Bea Rose may chronic kidney disease

‘I’m really scared!’

By
0 632

Na-diagnose na may sakit na chronic kidney disease ang former Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago.

Sa kanyang Instagram stories, nagbigay ng updates si Santiago kung kelan siya nagpa-checkup sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City in Taguig.

Ayon sa former beauty queen, nagsimula raw ang lahat sa matinding migraine at dumaan siya sa maraming test hanggang sa sabihin na sa kanya ang kanyang sakit.

“Yes, I’m sick. Since I da­­m­age­d my kidneys when I was younger. My kidneys are more sensitive than a normal later 20s healthy woman.

“I can’t overdo things and I just found out. Came to the hospital with my severe migraines and we found out something potentially more dangerous.

“I’m thankful but at the same time really scared,” post ni Santiago sa kanyang IG Stories.

Dahil sa kanyang sakit, alam na ni Santiago kunsaan nagmula ang kanyang sakit at nagbigay ito ng babala sa mga tulad niya na mahilig sa heavy workout at pag-inom ng pre-workout drinks.

“Guys, if you take pre-workout and other heavy workout, please be careful.

“Apparently there are many more like me. We damage our kidneys because of our gym life.

“Before you do or change your diet or drink something make sure you don’t have bad health history problems! Always ask your doctors!”

Pinost din ni Santiago ang pagka-confine niya sa ospital nang tatlong araw. Pinakita pa niya ang pagmamaga ng iba’t ibang parte ng katawan niya.

Si Bea Rose Santiago ang ikalimang Pinay na nakoronahan bilang Miss International noong 2013 sa Tokyo, Japan. 

Noong 2011 ay nakoronahan siyang bilang Mutya Ng Pilipinas-Overseas Communities. Nag-compete din si Santiago sa 2012 Miss Tourism Queen of the Year International. ()