Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea pumiyok na sa ‘kasal’ kay Derek

0 347

Panalo na naman ang bagong vlog ni Bea Alonzo na ‘Bea Answers the Web’s Most Searched Questions’, dahil sinagot nga niya ang mga tanong ng mga fan.

Aliw ang mga tanong, na hindi mo alam kung saan nanggaling, at ano ang pinag-ugatan.

Isa nga sa mga tanong na ikinaloka, tinawanan nang husto ni Bea ay ang tungkol sa ‘kasal’ daw nila ni Derek Ramsay.

“What, hindi ko alam kinasal na pala si Bea kay Derek. Hahahaha! Kelan pa? Hindi ako na-invite!

SM food to go Banner Ad

“Actually, ang biyenan ng kapatid ko, noong nagkita kami sa farm, tinanong ako kung totoong ikakasal na kami ni Derek, at kung totoo bang kami. Talagang ako, ha? Hindi po! Matagal na kaming magkaibigan ni Derek, dahil leading man ko siya sa dalawang pelikula na ginawa ko at sa isang teleserye.

“So, hindi po. We are not dating. At hindi kami kasal o pakakasal!” tawang-tawa lang na chika ni Bea.

Anyway, palagi ngang lumalabas ang tanong na `yan kapag si Bea ang topic sa socmed. Pero ngayon lang talaga niya sinagot at pinagtawanan nang husto.

Siyanga pala, tuloy na tuloy na raw ngayong 2021 ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz, pati na ang movie nila ni Alden Richards. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.