Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea pinagpawisan sa ‘tawag’ ni Dominic

0 299

Buking na buking ang relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa latest YouTube channel ng aktres na ‘Show Me Your Phone’ kasama si Enchong Dee.

Ang sistema nga ng vlog na `yon ay magpapalit sila ng cellphone, at may mga app sila na dapat buksan, depende sa mga tanong sa kanila. May isa silang chance na huwag umamin, gamitin lang ang salitang ‘Benchong’. Meaning, hindi ka papayag na ipakita ang laman ng app ng cellphone mo.

Anyway, ilan sa mga utos sa kanila ay ‘Last person who called you?’

Kay Enchong ay si Kyle Echarri ang huling tumawag, samantalang kay Bea ay si Nic.

“Sino si Nic?” tanong ni Enchong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Secret! Hahahaha!” sagot ni Bea.

“Hindi si Dominic ‘yan! Hahahahaha!” paglilinaw pa ni Bea, at sa gilid ng video nga ay ipinakita ang photo ni Dominic Roque.

“Si Dominic Ochoa! Hahahaha!” palusot na sambit pa ni Bea.

“Halika, tawa na lang tayo! Ginusto mo ito, di ba? Hahahahaha!” sabi ni Enchong kay Bea.

“Bakit ko ba ginagawa ito? Huh, ang init!” natatawang sabi pa ulit ni Bea.

Well, mababasa naman sa comment section ang suporta ng mga fan sa relasyong Dominic at Bea, ha! (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.