Una sa Balita

Bea palaban sa hubaran

By
0 1,074

Ginulantang ni Bea Alonzo ang social media sa pagbalandra niya ng buong kaseksihan niya. Nag-fiesta sa pamboboso ang mga supporter, fan ni Bea sa kanyang kaseksihan sa whole body pic niya na blue string bikini lang ang suot.

Kung noong mga nakaraang swimsuit photo niya, laging pasilip lang ng kanyang kaseksihan ang ginagawa niya, pero sa latest posting niya tinanggal na niya ang lahat ng agam-agam niya, at ipinagmalaki na ang maganda niyang katawan.
‘Yun din ang laman ng caption ni Bea sa larawan na nagdeklara na siya ng pagbabago sa taong ito at itinapon na niya ang lahat ng insecurities sa katawan.

“I have always been the type who would choose not to post photos of myself in swimsuits but since I declared this year as the year for CHANGE, I thought that maybe I should change the way I view myself. Maybe, I should get rid of all my insecurities so I can live more,” unang hirit niya.

Sinabi rin niyang kakalimutan na ang dating pagkasuklam sa pagiging mataba, sa mata ng ibang mga nakakita.
“I want to forget about how I hated myself for being ‘fat’ in other people’s eyes and just remember the things that I love about my body. It’s the only body that I am blessed with and I am thankful for my health because I get to do things that make me happy,” saad pa niya.

Ang paglalantad ng katawan ni Bea ay para makapagbigay inspirasyon din sa ibang mga babae na mahalin ang kanilang mga kakulangan.

“I hope that this post could inspire other women to love themselves more, flaws and all. Let’s all work hard to better ourselves for us and not just so others could accept us.” #yearforchange #btravels #coron
Nanguna sa pag-react at pagpapakita ng kasiyahan, positive reaction at pagmamahal ay ang kasintahang si Gerald Anderson na may tatlong smile na red-heart shape ang mga mata. Tanda ‘yon ng pag-ibig niya sa aktres.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy