Una sa Balita

Bea pag-aagawan nina Richard, Rafael

0 362

Maiipit naman si Bea Alonzo sa isang love triangle sa kauna-unahang proyekto niya kasama sina Rafael Rosell at Richard Gutierrez sa “Kahit Minsan Lang”, habang mahahati naman ang isip at puso ni Xian Lim sa pagitan sa asawa niyang si Yam Concepcion at kapatid nito sa ama na si Kim Chiu sa “Love Thy Woman”.

Si Gerald Anderson naman ang mamumuno sa mga kapwa sundalo niyang sina Elmo Magalona, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores, Vin Abrenica, at Carlo Aquino sa action-drama series na “A Soldier’s Heart”.

Samantala, eere na ang breakthrough two-in-one talent search na “Your Moment” tampok ang mga huradong sina Billy Crawford, Nadine Lustre, at Boy Abunda ngayong Nobyembre 9 at 10, habang muling magkakaroon ng pagkakataon ang Pinoy teenagers na maging singing superstar sa nalalapit na pagbabalik ng “The Voice Teens”. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy