Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea nanguna sa ‘noise barrage’ ng Kapamilya

0 1,083

Bukod kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, matapang na lumabas at nag-noise barrage nga si Bea Alonzo sa paligid ng ABS-CBN, bilang suporta pa rin sa mahigit na 11,000 na nawalan ng trabaho dahil sa pagpatay sa Kapamilya network.

Makikita sa IG story ni Bea ang mga kaganapan na bagamat gabing-gabi na ay nasa kalsada pa siya, nakikisama sa mga empleyado na nag-iingay bilang protesta, at bilang suporta at papuri na rin sa mga 11 na kongresista na bumoto ng pabor sa Dos.

May mga larawan din na kumalat na si Bea ay naka-facemask, nakataas ang kanang kamay, na karaniwang ginagawa ng mga raliyista.

Ibang-iba na nga si Bea ngayon, na ang dating aktres na parang pagkahinhin-hinhin, heto nga at nasa kalsada na rin at nakikipaglaban.

“Mag-ingay para sa Kapamilya!” ang sabi ni Bea.

“Our home!” sambit pa niya sa isang video.

Babangon kami – Edward Barber

Ni-repost ni Maymay Entrata ang Instagram post ni Edward Barber na tungkol sa pagsuporta niya sa Dos. Heto nga ang mensahe ni Edward.

“I’m seeing a lot of people laughing and happy about what happened to ABS-CBN. And at the end of the day, if you want to smile at the pain of others, God bless you. Go ahead. But think of this. What if your mother had to come home and explain to you that she no longer had a job during a worldwide pandemic? What if your father and sibling or son, come home and said that he and 11 thousand other people lost their jobs in the blink of an eye.

“You’re laughing because you’re not affected. You rejoicing because it’s not you. You’re celebrating because you might think that finally ABS-CBN has been brought to the ground.

“But the Family that is ABS-CBN, the 11,000 of us… we will never laugh at the suffering of others. We stay as one family, regardless of what happens. We won’t be silent. We WILL rise again.

“And the next time something happens to you, the person laughing at us now… don’t worry, we will try to help you. Because we will forever be – In service of the Filipino.”

Jona hindi nagsisi sa pag-alis sa GMA

Hindi nagsisisi si Jona na mula sa GMA 7 ay lumipat siya sa ABS-CBN, kahit sabihin pang nagsara na ito ngayon. Hindi nga nagustuhan ni Jona ang pagpipiyesta ng mga tao sa nangyari sa kanila.

“Sa mga tao pong nagsasabi sakin na “mabuti nga sayo, lipat lipat ka pa kasi, wala ka na trabaho, wala ka ng career”, Wow…that’s the kind of spirit Filipinos have? Nagsasaya sa kawalan ng iba?”

Hindi nga naniniwala si Jona na mga fan talaga niya ang nagtu-tweet ng mga ganiyan.

“Hindi sila part ng Team Jona!” sey pa nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.