Una sa Balita

Bea nag-iisang movie queen ngayon

0 460

For sure, isa sa mga birthday wish ni Bea Alonzo sa kanyang kaarawan sa October 17 ay ang kumita ang first team-up movie niya with  na mismong sa natal day niya ang first day of showing in cinemas.

At 31, si Bea talaga ang maituturing na movie queen sa hanay ng mga kasabayan niyang aktres, dahil siya ang may mas maraming pelikulang nagawa at kumita sa takilya na malamang ay alam lahat ng mga showbiz insider at mga fan.

Siyempre, may pending pang isang movie ang aktres with Charo Santos-Concio, ang horror film na Eerie na hindi pa naipapalabas.

Abante Hiring – IT dep

Matapos siguro nito ay muli nang mapapanood si Bea sa isang teleserye sa ABS-CBN first half next year.

I heard nga, bago itong tatlong pelikulang nagawa ni Bea this year, nauna na nga ang Kasal with Paulo Avelino and Derek Ramsay, may isang movie pa raw na dapat ay pagsasamahan nila ng dati niyang ka-loveteam na si John Lloyd Cruz bago siguro ito mag-indefinite leave from showbiz.

Apart from finishing her movies, nakuha ni Bea na makapag-aral ng baking sa Center for Culinary Arts. Bet daw kasi niya talaga magtayo ng bakeshop at restaurant in the near future, chika ng aking source.

Jolo, Rhian magdyowa na?

Mukhang naging close talaga sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at leading lady nito sa episode niyang 72 Hours sa trilogy movie na Tres na si Rhian Ramos, dahil kahit tapos na ang shooting nila at kasalukuyang palabas ang pelikula nila ay may communication pa rin ang dalawa.

Imagine, kahit nasa New York, USA ang magandang aktres last week hanggang bago ito makauwi last Monday lang ng madaling-araw ay constant ang pag-uusap nila ni Jolo over Viber.

Lumipad kasi ng New York si Rhian para mag-celebrate ng kanyang birthday mag-isa for one week the following day after ng premiere night ng Tres para maiba naman daw at para maghanap ng matitirahan, at mag-enroll sa papasukan niyang acting school for improvisation course next month.

Sa totoo lang, bagay sina Jolo at Rhian kung titignan, para sa amin, ha, at ang closeness at gesture nilang dalawa off-cam na na-witness namin ay parang iba.

They’re both single. Let’s wait and see if ma-develop nga sila sa isa’t isa.