Una sa Balita

Bea nadamay sa galit kay Aga ng mga netizen

0 2,832

Patuloy na binabakbakan ng mga netizen ang aktor na si Aga Mulach matapos ang kontrobersiyal nitong pahayag tungkol kay Senador Antonio Trillanes IV.

Nadawit pati ang co-star niyang si Bea Alonzo at ang pelikula nilang “First Love” na sinasabing nilangaw sa takilya dahil kumita lang ng P6 milyon sa unang araw ng pinalabas ito kumpara sa P22 milyon ng ‘Exes Baggage’ ng mga kasamahan sa ABS-CBN na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Sa social media platform na Reddit, umani ng mga negatibong komento si Aga.

@limpinpark: “Walang connection sa political beliefs nya. Pangit lang talaga ang konsepto ng movie. Trailers pa lang, walang chemistry si Aga at Bea. Kaya indi na nag aksaya ng salapi ang moviegoers to watch the movie.”

@jopaymc: “Count in the fact na hindi sila “hot celebs” atm. A Jadine or KathNiel movie will always make profit event if they half-ass it due to relevancy. Not to diss Aga and Bea, but you need to have a great movie to create a word of mouth demand to even earn half of what Jadine/Katniel movies are making”.

@boxershortie: “Isn’t this guy 100 or something. He should stop making romantic movies with much younger actresses. It’s creepy.”

Una nang kinuyog ng mga netizen ang aktor matapos banatan si Trillanes nang mag-guest sa ‘Gandang Gabi Vice’ noong nakaraang Linggo.

Binakbakan siya ng mga kritiko sa binita­wang salita patungkol sa senador na “nakakapagod na. Ano ba gusto mo mangyari, parang nage-enjoy ka na lang diyan. Tumulong ka na lang.”