Una sa Balita

Bea may bagong boylet

0 634

Araw ng mga Puso ngayon. At mukhang hindi na nga nakapaghintay ang mga netizen na humanap ng kakikiligan sa kanilang mga idolo.

And guess what? Tila mas fishy ang kanilang nahanap dahil spotted na magkasama sa isang family event ang aktres na sina Bea Alonzo at aktor na si Dominic Roque.

Ayon sa ulat na lumabas, makikita ang picture kung saan nandoon ang nanay ni Bea, kapatid na si James Carlos, fiance ni James na si Thalia (anak ni Bayani Agbayani) at nakaupo naman si Dominic.

Napansin nga ng netizen na tanging si Dominic lang ang hindi miyembro ng pamilya. So what is the mea­ning of this? May mas malalim na nga kayang pagkakaunawaan ang dalawa?

Ang naturang ganap kasi ay baby shower para kay Thalia, na fiance ng naka­babatang kapatid ni Bea na si James.

Matatandaang ilang beses nang naispatan ang dalawa na magkasama pero patuloy ang pagtanggi ng dalawa kung mayroon na nga bang namamagitan sa kanila.

Gayunpaman, masaya ang mga fan para kay Bea dahil deserve, aniya, ng aktres na sumaya ulit ang puso lalo na’t malapit na nga mag-Valentines. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More