Una sa Balita

Bea masaya sa hiwalayan kay Gerald

By
0 3,392

Sa grand media launch ng pelikulang Kasal na handog ni Direk Ruel Bayani bilang opening salvo ng ika-25th anniversary ng Star Magic, walang sinuman ang nag-dare na magtanong kay Bea Alonzo sa balitang hiwalay na sila ni Gerald Anderson.

Napag-usapan ang tungkol kasal, sex muna bago kasal, divorce at annulment, pero hindi nabanggit ang hiwalayan. Mukhang first time itong nangyari na ang grand presscon ay hindi nalihis sa pelikula ang mga tanong.

Dahil ba masyadong malakas ang dating ng trailer ng movie nina Bea, Derek Ramsay at Paulo Avelino, kaya sa kanila lang talaga naka-concentrate ang grand tsikahan.

Usually naman kapag may issue, nailulusot at nailulusot talaga ang mga tanong na personal. Kahit may ins­tructions na bago pa man ang usual na simula ng presscon, pero kadalasan nga ay hindi ito nasusunod.

Dahil siguro ang plano ng mga katoto ay sa one-on-one na lang ito itanong para mas exclusive ang dating, pero wala na rin chance dahil agad namang ‘itinakas’ na si Bea dahil meron pa raw itong dubbing.

Malaking factor din siguro na sa buong takbo ng presscon ay halatang hindi apektado si Bea ng anumang personal na issue dahil cool lang itong humarap sa press, happy at hindi lutang.

As if para talagang walang nangyari na, kaya walang nag-push ng nasabing issue.

Anyway, ayon nga raw kay Bea, technically ay single na siya, pero they have remained as good friends pa rin ni Gerald. Wala itong binanggit na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Which brought back to my memory ‘yung makita namin si Gerald sa Subic para sa isang triathlon competition na nang tanungin namin siya kung nasaan si Bea, isang ngiti lamang ang kanyang isinukli sa amin.

Maybe that time ay nagkakalabuan na talaga sila. Tuloy, marami ang naga-assume na ang panliligaw ni Ge­rald kay Bea ay para lamang i-satisfy ang kanyang sarili dahil sa pag-amin nitong teen-age crush niya talaga si Bea, and now na nakamit na niya ito, eh, okey na siya doon.

Sa May 16 na ang opening ng Kasal na isa sa tatlong movie na ginawa ng Movie Queen of her generation matapos nitong mag-hibernate sa movie for almost two years.