Una sa Balita

Bea mas sinuwerte nang mawala kay Gerald

0 560

Bongga ni Bea Alonzo ha, dahil bukod sa tumabo sa takilya ang pelikula niya with Angelica Panganiban na “Unbreakable”, tatanggap din siya ng award mula sa “Asian Stars: Up Next” ng Film Festival and Awards Macao and Variety.

Deserve ni Bea ang award dahil ibinibigay daw ito sa mga bituin sa Asya na posibleng sumikat sa international scene dahil sa kanilang larangan. Bagay talaga sa kanya ang titulong “this generation’s movie queen”. Napatunayan niya na ‘yan sa lahat ng box-office movies niya, pati na rin sa mga teleserye.

“I feel so grateful to even be recognized by a prestigious award. Parang malaking bagay siya kasi when you’re doing your films parang ‘di mo naiisip ‘yung ganyang klaseng validation, ‘di ba?” sabi ni Bea.

Hindi rin nakalimutan ni Bea na pasalamatan ang mga taong sumusuporta sa kanya mula noong nagsisimula pa lang siya hanggang sa maabot niya na ang kanyang mga pangarap.

“What a great feeling to be recognized along with the other stars from different Asian countries for their body of work. Thank you @variety for the feature. I am beyond excited to be able to represent the Philippines in Macau this coming December,” post niya sa kanyang Instagram.

Congratulations kay Bea! Ang positive ng mga nangyayari sa kanya ngayon at sana magtuloy-tuloy pa ‘yan! Mas sinuwerte siya nang mawala si Gerald Anderson sa buhay niya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More