Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bea, Maine pinagsasabong dahil kay Alden

0 1,063

Lumabas na nga ang commercial nina Alden Richards at Bea Alonzo. At kaloka, para tayong bumalik sa 2015, na kainitan ng AlDub, ha!

Mababasa nga sa mga mensahe sa Instagram, Facebook ang panlalait ng mga fan ni Maine kay Bea, at siyempre, hindi rin nagpakabog ang kampo ni Bea, na gumanti rin ng panlalait kay Maine.

Sigaw ng mga fan ni Maine, bakit daw todo yakap si Bea kay Alden sa kumalat na video? Eh, hindi naman daw bagay ang dalawa, dahil mukha raw ‘Tita’ ni Alden si Bea.

Siyempre, resbak din ang mga maka-Bea, at sabi nila, walang panama si Maine kay Bea, pagdating sa aktingan, takilya, rating ng teleserye, at sa kagandahan. Ni katiting dawn g achievement ni Bea ay hindi pa natutungtungan ni Maine.

Well, ang guwapo talaga ni Alden, di ba? Pinag-aawayan ng dalawang kampo. ‘Yun lang, habang nagtatalo-talo ang mga fan, masaya lang ang mga idolo nilang sina Bea at Maine!

Anyway, muling mapapanood ang kuwentong “Jessie at si Dante Higante” ngayong Linggo ng gabi sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ni Alden Richards.

Masipag na magsasaka si Jessie, pero may makakaharap siyang isang higante habang naghahanap ng halamang-gamot para sa ina. Matakasan kaya niya ito?

Rhian nami-miss ang ‘anak’

Masunurin at matalino kung ilarawan ni Rhian Ramos ang kanyang ‘anak’ na si Gideon.

Yes, may anak nga si Rhian, na Gideon ang pangalan, na ginagampanan ni Ethan Hariot, at sa teleserye ‘yan na Love of my Life.

“Napakalambing n’ya with his mom. He’s such an intelligent boy and you can tell kasi ang dami niyang tanong,” sey ni Rhian.

Sa kanyang online get-together na #LetsTalkLove noong Biyernes, ikinuwento ni Rhian ang isa sa mga nami-miss niyang memory kasama si Ethan.

“Naaalala ko kapag may eksena kami sa dinner table, lagi siyang nakatingin sa mommy niya. Noong una kasi naming eksena sa dinner table, kain siya nang kain so hindi na niya nasasabi yung mga linya niya. So noong mga pahuli na naming tapings, lagi na siyang nakatingin sa mom niya. Siguro sinabihan siya na ‘wag ka muna kakain hanggang di pa tapos ‘yung eksena ah’ Napaka-masunuring bata.”

Dahil tigil muna sa taping ang Love of my Life, napapanood si Rhian sa rerun ng pinagbidahang Pinoy adaptation ng Stairway To Heaven kasama si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes tuwing hapon sa GMA.

Leave A Reply

Your email address will not be published.